Loading...

Base sa datos ng Bureau of Immigration (BI) noong 2018, umabot sa 1,257,962 ang bilang ng mga turistang Chinese ang dumating sa bansa, higit doble sa 490,841 noong 2015 bago maupo si Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasabay naman ng patuloy na pag-usbong ng offshore gaming sa bansa, tumriple rin ang bilang ng mga Chinese na nabigyan ng alien employment permit (AEP) o permit para makapagtrabaho sa bansa nang hanggang 3 taon mula 9,109 noong 2015 sa 33,516 noong nakaraang taon.
Loading...
Pero ayon sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), apektado nito ang ilang manggagawang Pinoy at mga maliliit na negosyo na napipilitang bakantehin ang kanilang inuupahan dahil mas pinipili umano ng mga nagpapaupa ang mga Chinese na nag-aalok ng mas mataas na renta.
Nanawagan din sila sa gobyerno na tiyaking walang trabahong naaagaw ng Chinese nationals sa mga Pilipinong manggagawa, partikular sa construction industry.
Loading...
[SOURCE]- ABS-CBN
Loading...
No comments:
Post a Comment