Loading...

Ayon kay Atty. Ryan Keith Hosaka, spokesman SC, unanimous ang naging desisyon ng SC en banc.
Dahil dito, posible nang maisalang sa pagdinig si dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa pagkamatay ng 44 na PNP-SAF member sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 2015.
Matatandaan na dahil sa TRO ay naharang ang pagbasa ng sakdal gayundin ang pagdinig laban kay Aquino para sa usurpation of aurhority at graft.
Kasama sa kaso ni Aquino sina dating Philippine National Police chief Alan Purisima at dating PNP-SAF director Getulio Napeñas, Jr.
“For those asking and upon verification with the Chief Justice, I would like to confirm that the Supreme Court has lifted the TRO on the Mamasapano trial before the Sandiganbayan,” wika ni Hosaka. Beth Dominguez
Loading...
Loading...
[SOURCE]- gnbc.news
Loading...
No comments:
Post a Comment