Loading...

Nauna rito, ibinunyag ni Roque ang modus operandi kung saan magkukunwari ang isang pribadong employer na nagbayad ng milyun-milyong halaga sa bangko ngunit wala naman aniyang nakakarating na aktuwal na pera sa naturang health insurance company, at ang IT department ng PhilHealth aniya ang responsable dito.
Loading...
Inamin rin ni Del Rosario, na talagang nangyari ang naturang insidente at ito aniya ang tinatawag nilang “fictitious crediting” o “contribution.”
Paliwanag niya, ang ibig sabihin nito ay wala namang aktuwal na perang naibayad sa bangko ngunit imo-modify at palilitawin sa PhilHealth database na nagbayad ang employer, gayung wala naman talagang naganap na bayaran.
“Meron doon (PhilHealth database) nilagay na payment nung naturang employer, pero sa totoo, walang nangyaring pagbabayad, at ito ay ginawa nang ilang beses,” paliwanag ni Del Rosario, sa isang panayam sa radyo.
Ayon kay Del Rosario, matagal na nilang nadiskubre ang naturang pandaraya noong siya pa ang pinuno ng Information Technology (IT) Department ng PhilHealth at nasampahan na ng kaukulang kaso at na-dismiss pa sa serbisyo ang mga tauhan ng PhilHealth na sangkot dito, habang ang pribadong employer naman ay pinagbayad na rin ng P114 milyon sa ahensiya.
Si Roque ay matatandaang nagsilbi bilang legal counsel ng dalawang dating empleyado na nagbunyag ng umano’y “ghost dialysis scam” na kinasasangkutan ng WellMed Dialysis Center, na inaakusahang nakinabang umano sa PhilHealth claims ng ilang pasyenteng matagal nang patay. — Macs Borja
Loading...
[SOURCE]- gnbc.news
Loading...
No comments:
Post a Comment