Loading...

Sa pahayag, sinabi ni Poe na tatawag ng pagdinig ang Senate committee on public services upang ipatawag ang lahat ng transport officials sa Agosto 13 upang magpaliwanag sa trapik sa EDSA.
Aniya, tatalakayin sa pagdinig Ang Senate Resolution No. 954 na nanghihingi ng imbestigasyon sa tulong ng pagsasabatas hinggil sa provincial bus ban sa EDSA.
“Matinding kalbaryo na naman ang nararanasan ng ating mga kababayang dumadaan sa EDSA. Maniningil tayo ng paliwanag at hindi natin palalagpasin ang kailangang managot sa kaguluhang ito,” ayon kay Poe.
“Bakit ginagawa tayong parang science project, puro eksperimento, habang taumbayan naman ang nagdurusa?” tanong nIya.
Loading...
Nagkaroon ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko nang ipatupad ang yellow lane para sa mga bus at nagkaroon ng dry run sa provincial bus ban sa EDSA.
“Kung nagpatupad ng polisiya, bakit kalunos-lunos ang paglala ng trapik?” giit ni Poe.
Aniya, dapat masusing pinag-aralan ang naturang patakaran sa harap ng kahilingan ng publiko na isuspendi ito at may nagsampa ng legal question sa korte.
“We will thresh out all these issues in a productive dialogue where all stakeholders will have a voice and will be part of the solution,” aniya.

Loading...
[SOURCE]- gnbc.news
Loading...
No comments:
Post a Comment