Loading...

Base ito sa record ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ibinigay kay Sen. Ronald dela Rosa, chairman ng committee on public order and drugs.
Inimbestigahan ng komite ni dela Rosa ang kaso ng mga nawawalang kabataan na na-recruit ng makakaliwang grupo.
Sa 513 bilang ng mga kabataan, 362 sa mga ito ang sumuko,134 ang nahuli at 17 ang napatay.
Humarap sa pagdinig ang mga magulang ng limang kabataan na na-recruit sa loob ng kanilang mga pinapasukang eskuwelahan.
Kabilang sa mga ito sina Relissa Lucena; Luisa Espina; Elvie Caalaman; Gemma Labsan at Jovita Antoniano.
Hindi napigilan ng mga magulang na maging emosyonal habang ikinukuwento ang malaking pagbabago sa kanilang mga anak na na-recruit ng Anakpawis Partylist, Kabataan Partylist at League of Filipino Students (LFS).
Loading...
Ayon naman kay Lucena, nakita niya sa post sa Facebook na ginamit ng Anakpawis at Kabataan partylist ang kanyang anak noong nakaraang halalan.
Madungis umano ito habang nagkakabit ng mga campaign materials ng Kabataan Partylist.
Ibinunyag naman ni PNP Chief Gen. Oscar Albayalde na noong siya pa ang director ng National Capital Region Police Office may nakausap siyang estudyante na sumama sa isang rally na umamin na mismong ang guro nila ang nagsabi sa kanila na sumama sa rally.
Sabi naman ni Sen. Panfilo Lacson, may pananagutan ang mga guro kung sila ang nagre-recruit sa mga estudyante na sumama sa mga rally at makakaliwang grupo.
Kung masama ang droga, “equally bad” ang pumunta sa bundok para labanan ang pamahalaan, wika ni Lacson.
Loading...
[SOURCE]-
Loading...
No comments:
Post a Comment