Loading...

“If they want to investigate this, I have no objection. Para po ito sa tao kaya kung gusto nila malaman paano ito nakakatulong, welcome po sila na silipin ang operasyon ng Malasakit Center,” pahayag ni Go sa isang statement.
Loading...
Nauna rito, sinabi ni Lagman na mas marami ang bilang ng mga nagkakasakit kaysa sa mga nabibigyan ng tulong. Magagamit umano bilang partisan tool ang Malasakit Center kaysa isang medical outlet.
Pero paglilinaw ng senador, walang partisan o political consideration sa pagbibigay ng tulong mula sa Malasakit Center.
“Walang partisan o political considerations, walang pinipili na tutulungan, hindi kailangan ng anumang endorsement letter o ID mula sa politiko,” sabi ni Sen. Go.
“Ito po ay isang solusyon ng Duterte administration para sa libu-libong Pilipino na humihingi ng tulong sa gobyerno para lang magpagamot. Pera niyo po ito, ibinabalik lang sa inyo,” dagdag pa niya.
Ayon pa sa senador, ginawa ang Malasakit Center initiative para mabigyan ng mabilis, maayos at maaasahang serbisyong medikal ang lahat ng Pilipino.
“Para po kay Congressman Lagman, gusto ko lang po iparating na isa sa pinakaunang itinayo ang Malasakit Center sa Albay at successful ang operasyon nito para makatulong sa mga Bikolano. Nandoon pa po ang anak ninyo na si Vice Governor Grex Lagman sa opening para mag-witness sa proyekto na ito. Mayroon rin tayong Malasakit Center sa Naga na binuksan recently. Basta Pilipino, matanda o bata, babae o lalaki, kakampi sa politika o hindi, it does not matter. Basta nangangailangan ay pwede humingi ng tulong sa mga Malasakit Center saan man sa bansa,” sabi pa ng mambabatas.
Loading...
[SOURCE]-
Loading...
No comments:
Post a Comment