Ngayong araw ay sumuko na ang barangay chairman mula sa 5th district na hinamon ni Manila mayor Isko Moreno bunsod ng diumano pagbunot nito ng baril at pambubugb0g sa isang residente. Linggo ng umaga nang magbigay ng palugit si Mayor Isko na lumitaw ang barangay chairman na diumano ay nagtatago. Naging maluha luha naman si Chairman Soriano nang hingian ito ng pahayag kung ano ang masasabi nito sa mga akusasyon sakanya. Aniya ay dinepensahan lamang nito ang pananakit ng kabilang partido sa kanyang anak. Matatandaang nag-viral ang video ni Soriano nang bumunot ito ng baril sa gitna ng alitan ng ibang residente sa Sta. Ana, Maynila.
Advertisement
Loading...
Sa pahayag ni Soriano, aniya ay hindi ito pinapakinggan ng mga residente. Iginiit nito na maayos ang kanyang barangay at sa katunayan ay naisaayos nya ang mga delinkwente sa kanilang lugar. Ayon sa nakaraang pahayag ni Mayor Isko, problema sa parking ang naging ugat ng alitan. Matapos ang pahayag ni Soriano ay naghiyawan ang mga biktima na sya ring nasa conference. Hirit naman ng representante ng mga biktima, hindi umano totoo na laruan lamang ang baril na dala ng chairman katulad ng sinasabi nito. Para naman kay Mayor Isko, magsampa na lamang ng pormal na reklamo ang mga biktima upang pormal ding maimbestigahan ng mga pulis. Dagdag pa ni Mayor Isko, hindi sya ang nararapat na tao upang husgahan ang kaso ng dalawang partido bagkus ay idaan ito sa tamang proseso ng batas. Aniya ay maging aral ang kaso ni Soriano para sa mga iba pang barangay chairman na huwag idaan sa sariling kamay ang batas.
Sponsor
Loading...
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
[SOURCE]- FACEBOOK
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.
No comments:
Post a Comment