Loading...
Base sa inilabas na statement ngayong Lunes, inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) noong August 1 ang Philippine Electricity Market Corporation/ Market Operator (PEMC/MO) na magsagawa ng kinakailangang adjustment sa NSS allocations.
Ito ay kasunod ng pagkadiskubre sa audit ng ilang inconsistencies sa share of generators and customers sa NSS allocations na inilabas ng PEMC/MO sa mga nasabing buwan.
Loading...
Umabot sa P1.774 billion ang adjustment na nakita mula sa NSS correction.
“The Commission directed the PEMC/MO to immediately effect the refund to consumers. Total refunds due our Luzon and Visayas consumers amount to P1.403 billion,” ani ERC Chair Agnes Devanadera.
Dagdag pa ni Devanadera na 77%, o P1.08 billion, ay maibabalik sa mga customer ng Meralco.
23% naman o P321.36 million ay maibabalik sa mga consumer na sakop ng distribution utilities.
Ang natitirang P371 million ay para naman sa generation companies, retail electricity suppliers, at directly connected customers.
Loading...
[SOURCE]-
Loading...
No comments:
Post a Comment