Loading...

Ayon sa abugado ng senador na si Raymond Baguilat na malubha ang kalagayan ng ina ni De Lima na si Norma Magistrado de Lima sa hospital sa Iriga City, Camarines Sur at nagpahayag na umano ang mga doktor sa pamilya ng kahandaan sa anuman maaring mangyari.
Isinampa ni Baguilat ang furlough sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205, kung saan nahaharap si De Lima ng mga drug-related charge.
“Nag-rerequest kami ng opportunity sana na mabigyan ng chance si ma’am (De Lima) na mabisita for the last time ‘yung mom niya,” ani Baguilat.
Sa inilabas na letter ni De Lima sa Camp Crame, umapela siya sa publiko ng dasal para sa kanyang ina.
“My 86-year-old mom’s health is now failing her. She’s confined in a hospital in Iriga for several days already. Our family is now advised to prepare for the inevitable. I ask for prayers. Maraming salamat po,” nakasaad sa sulat ni De Lima.
Mula nang makulong noong February 27, dalawang beses lang nakita ni De Lima ang kanyang ina; isa noong December 23, 2018 sa surprise visit na ginawa ng ina sa kanyang kulungan, at noong June 16 sa thanksgiving dinner ng kanyang anak na pumasa bilang abugado.
Pinaboran ni Muntinlupa Branch 205’s Judge Liezel Aquiatan ang inihaing furlough ng senador kaya nakadalo siya sa thanksgiving dinner.
Loading...
Loading...
[SOURCE]-
Loading...
No comments:
Post a Comment