Breaking News
recent

CONFIRMED! Pangalan ng 10 “Ninja Cops” na sangkot sa Drug Recycling, pangangalanan na ni Pangulong Duterte— Senator Bong Go

Loading...

Manila, Philippines – Hindi magtatagal ay huhubaran na ng masakara at papangalanan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na di umano’y sangkot sa drug recycling. Sinabi ni Senador Bong Go na kino-consolidate pa muna nila ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga listahan at reports mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno mula sa PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) at intelligence community. Bukod pa sa pinapa-cross validation rin aniya ni Pangulong Duterte ang lahat ng mga ito lalo na aniya ang nabalitaan nitong ninja cops na sangkot sa pagre-recycle ng droga. Naniniwala aniya kasi ang Pangulo na may karapatan ang publiko na malaman kung sino ang mga tiwaling pulis. “Sabi nya kahapon sa akin na kailangan malaman ng publiko and soon I think he will personally announce to the public kung sino po ang mga sangkot na ito at importante po si Pangulo ang magsasabi. Sabi nya karapatan po ng Pilipino na malaman kung sino ang mga ito, mga ninja cops,” ayon kay Go.
Advertisement
Loading...
Ngayong linggo aniya ay asahan nang iaanunsyo ni Pangulong Duterte sa publiko ang pangalan ng 10 “ninja cops”. Matatandaang sa Senate hearing noong nakaraang linggo ay isiniwalat ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, dating Criminal Investigation and Detection Group chief, na may mga corrupt na pulis na itinatago ang mga nakumpiskang illegal na droga at ipinagbibili o nire- -recycled pagkatapos. Ibinunyag nito ang pam-ngalan ng ilang sangkot sa illegal activity sa idinaos na executive session. Ang impormasyong ibinigay nito sa executive sessions ay ikinukunsiderang confidential maliban na lamang kung ang mayorya ng mga senador ay papayag na isapubliko ito. Tumanggi naman si Go na magbigay ng kahit na anumang detalye na binanggit ni Magalong. “Andun ako sa executive session, it was mentioned in confidence po so I cannot divulge it here,” aniya pa rin. Pabor naman si Go na isapubliko ang mga pangalan ng mga ninja cops. “Ako pabor ako, dapat malaman ng publiko. Tuloy tuloy po ang kampanya laban sa korapsyon, kriminalidad, lalo na sa law enforcement agencies. Alam n’yo, sa Bisaya, parang nanghihina si Pangulo pag naririnig n’ya na nasasangkot ang pulis. Ako naman malaki ang tiwala ko sa ating kapulisan, majority ay matitino at maayos naman silang lahat. Meron lang konting bad eggs dyan na dapat mawala at para hindi mahawa ang iba,” ang litaniya ni Go. — Kris jose

Sponsor
Loading...
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

[SOURCE]- gnbc.news


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.

Loading...
dove ash

dove ash

No comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.