Breaking News
recent

LOOK: Senator Risa Hontiveros may alam sa Bentahan ng GCTA sa Bureau of Corrections!BAkit KAya?


Loading...
Manila, Philippines – May bentahan ng good conduct time allowance (GCTA) sa Bureau of Corrections (BuCor) kaya nakakalaya ang high profile inmates na pawang nahatulan ng parusang habambuhay, ayon kay Senador Risa Hontiveros  

Sa isinagawang pagdinig ng Senate committee on justice and human rights, sinabi ni Hontiveros na mas maraming deserving na lumaya kaysa kina dating Calauan Mayor Antonio Sanchez, apat na convicted Chinese drug lords at 1,914 pang preso.

“Madami nagulantang sa balitang pagpapalaya sa dating Mayor Antonio Sanchez, na nahatulang guilty sa panggagahasa at pagpatay. Sunod sunod din ang labas ng balita – mga Chinese drug lords ay napalaya na din daw, at mga drug lords na naghahari-harian sa mga mararangya nilang mga kubol,” aniya.

Sinabi ni Hontiveros na lumalabas sa pagsusuri ng kanyang tanggapan, na pinaboran ng BuCor si Sanchez at iba pang heinous crime convicts gamit ang GCTA dahil nabibli ito sa loob ng Bilibid.

“That information alone can stoke one’s anger. Tama nga, nagalit ang sambayanan. Pero ang mas lubhang nakakagalit ay ang lumalabas sa information na nakalap namin at ibabahagi ko at the proper time, Sanchez et al were not random beneficiaries of the retroactive effect of RA 10592,” aniya.


“Ang lumalabas ay sila ay pinaboran. Special treatment, ika nga. I am talking about this system of “GCTA-for-sale” na ayon sa prison insiders ay talamak ngayon,” giit ni Hontiveros.
Advertisement
Loading...
Ayon kay Hontiveros, sa tamang panahon, ipapakita niya sa komite na may mga preso na mas deserving kay Mayor Sanchez – siyang nag-smuggle ng shabu sa loob Birheng Maria dahil sila ay naging mga pastor at mga worship leader, walang bahid ng offenses sa record nila, pero hanggang ngayon walang release order.

“Mr. Chair, is the problem with the law? Or is the problem corruption? Is the problem the giving of second chances in general, or the favoring of sacred cows? Ang problema ba ay ang batas na nagbibigay buhay sa mga prinsipyo ng restorative justice, o ang tiwaling pamamalakad sa loob ng Bucor at mga preso?,” aniya sa pagdinig.

Samantala, sinabi naman ni Senador Richard Gordon na naghihintay siya ng testigo sa paratang ni Hontiveros upang matugunan ng kaukulang aksiyon ang isyu.

“Naghihintay tayo ng testigo, eh wala pang lumilitaw eh,” ayon kay Gordon.

Kaugnay nito, kinuwestiyon din ni Hontiveros si Undersecretary Nicanor Faeldon sa pagbibigay ng preferential treatment sa mga high profile inmates na nakakalaya gamit ang GCTA law.

“Sa ganitong kaliwa’t kanan na kapalpakan, pagkukulang tungkol sa GCTA, mga importante pero simpleng tanong na mahirap sagutin dito sa komite na dapat alam na alam n’yo agad, kelan po kayo magre-resign sa inyong puwesto bilang BuCor head, Usec?” tanong ni Hontiveros.


Sumagot naman si Faeldon na hindi siya magbibitiw sa puwesto at hindi niya iiwan ang puwesto maliban na lamang kung gugustuhin ni Pangulong Duterte.

 “I believe no,” ayon kay Faeldon.

“You believe no? Bakit po? Do you believe you’re doing a good job?” tanong ulit ni Hontiveros.

“Yes, Ma’am,” tugon ni Faeldon.  

— Ernie Reyes

Sponsor
Loading...
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

[SOURCE]-


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.

Loading...
dove ash

dove ash

No comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.