Manila, Philippines – Tinuran lamang ni House Speaker Alan Peter Cayetano na isang tsismis ang akusasyon ni Sen. Ping Lacson na may pork barrel na ilang bilyong piso ang mga kongresista sa ilalim ng 2020 national budget.
Ayon kay Cayetano, ayaw na nyang patulan ang akusasyon ng mga senador dahil malinaw naman na walang mga illegal insertions sa budget.
Hindi umano maituturing na illegal ang P9.5 billion institutional amendments na kanilang pinapondohan na hahatiin sa ilang mga ahensya na nangangailangan ng mga proyekto.
“But hindi yata niya matanggap na yung House na ito ay anti-pork rin,”pa Cayetano said.
Sinabi naman ni House Majority Leader Martin Romualdez na handa ang Kamara na makipagusap sa Senado kung may mga pagdududa ito sa budget sa halip na daanin ito sa media.
“Welcome and we invite all Senate friends na kung mayroon silang duda o tanong, o meron silang intel o tsimis, puwede silang lumapit sa akin or tumawag. I am sure the Office of the Speaker and my office will always be open to any senator or anyone kung meron na may suspetsa ng pork,” pahayag ni Romualdez.
Sa P9.5B Institutional amendments ng Kamara ay bulto nito ay mapupunta sa Department of Agriculture para sa pagbili ng P3B palay at P500M sa Quick Response Fund,P800M sa Department of Education, P200M sa Department of Health , P500M sa UP-Philippine General Hospital at tig P1B para sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines. Gail Mendoza
Advertisement
Loading...
Sponsor
Loading...
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
[SOURCE]- remate.ph
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.
No comments:
Post a Comment