INARESTO ng Cauayan City Police Station (CCPS), Isabela ang isang head teacher matapos ang ikinasang anti-illegal drug bust operation sa nasabing bayan noong Huwebes.
Kinilala ng CCPS ang suspek na si Mark Dominic Antonio, 37-anyos, ng District 3 ng nasabing siyudad at siya ang head teacher ng isang eskuwelahan sa Barangay Disimuray ng parehong siyudad.
Advertisement
Loading...
Samantala, nagpahayag naman ng pagkadismaya ang Department of Education Cauayan City sa pamumuno ni superintendent Dr. Alfredo Gumaro hinggil sa pagkakaaresto ni Antonio.
Base sa report, matagal na umanong minamanmanan si Antonio ng CCPS-Drug Enforcement Unit (CCPS-DEU) matapos makatanggap ng intelligence report na ang suspek ay sangkot sa umano’y pagbebenta ng iligal na droga sa kanilang bayan.
Sinabi ng CCPS-DEU, pagkatapos ng ilang linggong surveillance, ilang mga undercover agent ang umaktong drug buyer at pinosasan si Antonio makaraang iabot ang pinaghihinalaang shabu sa mga operatiba.
Narekober mula sa head teacher ang hindi pa malamang dami ng shabu at marked money na ginamit sa operasyon.
Binigyang-diin naman ni Gumaro na hindi nila palalampasin ang insidente ng pagkasangkot ni Antonio at bibigyan agad ito ng aksiyon.
Nakakulong ngayon si Antonio sa CCPS detention cell at kasong anti-illegal drug act ang isinampa laban sa suspek.
— Allan Bergonia
source:abante
Sponsor
Loading...
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
[SOURCE]-
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.
No comments:
Post a Comment