Breaking News
recent

BREAKING NEWS! Humirit ang kampo ni Robredo sa Supreme Court na bigyan sila ng kopya sa vote recount nila ni Bongbong Marcos Jr.…


Loading...

HUMIRIT ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa Korte Suprema na bigyan sila ng kopya ng committee report sa inis­­yal na resulta ng vote recount kaugnay ng inihaing electoral protest ni dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Sa urgent motion na inihain ng kampo ni Robredo sa pamamagitan ng abogado nitong si Atty. Romulo Macalintal, hiniling nila sa Supreme Court (SC) na maglabas ito ng resolusyon na magpapahintulot sa kanilang mosyon at mabigyan sila ng summary ng committee report na isinulat ni Associate Justice Benjamin Caguioa patungkol sa resulta ng isinagawang revision at recount sa 5, 415 polling precincts mula sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Occidental.



“This will put to rest any apprehensions the parties entertain as a result of the speculations being reported in various media outlet,” ayon sa petisyon.

“Napakaraming espekulasyon. Nanalo na raw si Marcos, natalo na raw si VP Robredo. ‘Yang mga espekulasyon na ‘yan ay walang katotohanan,” paliwanag naman ni Macalintal matapos ihain ang petisyon.

Itinanggi na ni Chief Justice Lucas Bersamin noong nakaraang linggo ang sinulat ng isang kolumnista hinggil sa 8-6 decision umano ng SC pabor kay Marcos.

Ngayong Martes, Oktubre 8, Itinakda ng Tribunal ang delibirasyon sa election protest ni Marcos.

Nauna nang inanunsyo na ng Korte Suprema ang pagtatapos ng recount at revision sa 5,415 polling precincts mula sa tatlong tinukoy na pilot provinces sa inihaing poll protest ni Marcos laban kay Robredo.

Si Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa ang ponente ng report na naisumite na rin sa Tribunal na naglalaman ng resulta ng naging revision at recount sa mahigit 5, 000 polling precincts mula sa Iloilo, Negros Oriental at Camarines Sur.


Advertisement
Loading...


Sponsor
Loading...
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

[SOURCE]-


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.


Loading...
dove ash

dove ash

No comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.