Loading...
Ang pahayag ay ginawa ni Senador Bong Go kasunod ng pagko-commute ni Secretary Panelo kung saan inabot ito ng mahigit tatlong oras bago nakarating sa Malakanyang mula sa Marikina.
Hinamon tuloy ni Go si Panelo na mag-motor na lang sila dahil mas mabilis pa silang makakarating sa kanilang destinasyon.
Tanging si Superman na lang makakatulong sa pagresolba sa problema sa trapiko sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Kahapon ay sumabak si Sec. Panelo sa commute challenge na tumagal ng mahigit tatlong oras.
Inamin ni Sec. Panelo na nahirapan siya sa ginawa niyang pagko-commute mula sa kanyang bahay patungo sa kanyang tanggapan sa Malacanang.
Hindi aniya naging madali sa kanya ang pagsakay ng apat na ulit sa pampasaherong jeepney at pag-angkas sa motorsiklo sa kanto ng JP Laurel.
Sa gitna nitoy iginiit ni Panelo na walang krisis sa transportasyon gayung nakarating naman siya sa kanyang destinasyon.
Ang mayroon aniya ay traffic crisis.
— Kris Jose
Loading...
Loading...
[SOURCE]- gnbc.news
Loading...
No comments:
Post a Comment