Loading...
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, malinaw ang naging posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na hintaying matapos ang imbestigasyon para malaman kung sino ang mga dapat habulin at panagutin sa palpak na vaccination program ng dating administrasyon.
Wala aniyang narinig mula kay Pangulong Duterte na sinumbatan nito ang dating Presidente kaya’t malabo ang pahayag ni Aquino na siya ay hina-harass ng kasalukuyang administrasyon.
Sinabi ni Roque na malaking bagay na humarap ang dating Presidente sa imbestigasyon ng senado para mabatid kung ano ang naging papel nito sa pagbili ng dengvaxia vaccines sa panahon ng kanyang termino.
Loading...
“Pero mabuti rin na humarap siya dahil kung hindi naman siya magsasalita, hindi malalaman ng mga nag-iimbestiga kung ano talaga ang dapat niyang pananagutan. Pero ngayong natapos na ang Senado at magkakaroon sila ng rekomendasyon at umuusad din ang imbestigasyon ng NBI, nagsalita na si Presidente noong isang gabi lamang ‘no, aantayin niya ang resulta at kung anuman ang resulta, ipapatupad niya ang batas,” dagdag pa nito.
Tatlong buwan aniyang umusad ang imbestigasyon ng senado dahil Disyembre 2017 nang pumutok ang sablay na bakuna kontra dengue sa ilalim ng Aquino administration at natutuwa ang Palasyo dahil natapos na ang komite ni senador Dick Gordon sa kanyang imbestigasyon.
Ang hinihintay na lamang, ayon kay Roque, ay ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) para matukoy kung sino-sinong mga dating opisyal ang dapat na managot sa pagbili ng mga palpak na anti-dengue vaccine.
Loading...
[SOURCE]-
Loading...
No comments:
Post a Comment