Loading...

Ayon sa Republic Act 11261 o ang "First Time Job Seekers Assistance Act" ang mga bagong nagtapos na Pilipino ay hindi na kinakailangang magbayad sa mga ahensya ng gobyerno kung nais nilang kumuha ng clearances o certificates kung naghahanap sila ng trabaho.
Ito ang listahan ng mga certificates at mga clearances na maaari mong makuha nang libre:
Police clearance certificate
National Bureau of Investigation clearance
Barangay clearance
Medical certificate from a public hospital
Birth certificate Marriage certificate
Transcript of academic records issued by state colleges and universities
Tax Identification Number (TIN)
Unified Multi-Purpose ID (UMID) card
Other documentary requirements issued by the government that may be required by employers for job applicants.
Masaya si Senador Joel Villanueva na siyang 'principal author' ng panukalang batas sa desisyon ni Pangulong Duterte na lagdaan na ito bilang isang batas.
“We warmly welcome the signing of our bill into law as this will financially aid our youth in finding employment. Ang pagsasabatas po ng ating First-time Jobseekers Assistance Act ay hindi lamang isang malaking tulong pinansyal para sa ating kabataan kundi isa ring napapanahong graduation gift para sa ating masisipag na fresh grads.” ayon kay Villanueva.
Loading...
Ayon sa datos, ang mga aplikante sa trabaho ay gagastos ng 2,000 pesos para sa mga employment requirements at hindi pa kasama ang gastusin sa pagkain at transportasyon.
Loading...
[SOURCE]- trendingbalita.online
Loading...
No comments:
Post a Comment