Breaking News
recent

NASUPALPAL | ABS-CBN Journalist Zambrano may Mensahe 'Hindi namin trabaho ang pabanguhin ang imahe ng gobyernong Duterte'


Loading...
Ito ay kasunod ng request ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson na ilagay sa kanyang pamamahala ang online news website na Rappler at hindi sa Malacañang Press Corps.

Iginiit ni Zambrano na hindi trabaho ng mga katulad niyang lehitimong mamamahayag na pabanguhin ang imahe ng gobyerno o sakyan ang kanilang propaganda.


“Bilang mga lehitimong mamamahayag, hindi namin trabaho ang pabanguhin ang imahe ng gobyerno, o ipakalat ang gusto mong propaganda, o ipromote ang trip mo,” ani Zambrano.

Ayon kay Zambrano, tungkulin nila na maging mapagmatiyag sa mga kilos ng pamahalaan at pangyayari sa lipunan.



“Ang trabaho naming lahat, hindi lang ng Rappler, ay walang humpay na pagmamatyag sa mga kilos ng pamahalaan at pangyayari sa lipunan. Ilabas kung ano ang mali, sino ang mali, ipaliwanag kung bakit,” ani Zambrano.

Dagdag pa ni Zambrano, ginagamit lamang si Uson ng makinarya ng pamahalaan na layong patahimikin ang mga journalists.

“Hindi ito kagagawan ni Mocha. Hindi siya ganyan magsulat. Ang nakikita natin ngayon ay ang kanilang makinaryang gumagalaw,” ani Zambrano.

Advertisement
Loading...
“Ito talaga ay tangkang busalan ang isang lehitimong grupo ng mga mamamahayag,” ani Zambrano.

Basahin ang buong post sa ibaba:

Mga bata, ganito ang itsura kapag sinusubukang kontrolin ng pamahalaan ang mga kilos at galaw ng mga lehitimong mamamahayag.

Nakakainis nga naman siguro pag kinokontra ka palagi, pag hindi kinakagat ang mga alok mong propaganda, at binabasag lagi ang iyong trip. Eto lang po kasi ang problema: bilang mga lehitimong mamamahayag, hindi namin trabaho ang pabanguhin ang imahe ng gobyerno, o ipakalat ang gusto mong propaganda, o ipromote ang trip mo. Ang trabaho naming lahat, hindi lang ng Rappler, ay walang humpay na pagmamatyag sa mga kilos ng pamahalaan at pangyayari sa lipunan. Ilabas kung ano ang mali, sino ang mali, ipaliwanag kung bakit. Ipagbunyi ang gumagawa ng tama, para pamarisan. Ilatag lahat sa taongbayan, para sa oras na kailangan niyong pumanig, tumindig, magdesisyon, kabisado na ninyo at kaya na ninyong panindigan ang sarili ninyong desisyon.


Hindi ko yan inimbento, merong tinatawag na 1987 Philippine Constitution, kung saan naka-base, nakatuntong, at umiikot ang lahat ng ating mga batas. 

Sponsor
Loading...
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

[SOURCE]-


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.

Loading...
dove ash

dove ash

No comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.