Pinakukumpiska ng Food and Drug Administration (FDA) sa mga ahente ng Regulatory Enforcement Units ang mga ibinebentang lollipop sa merkado na sinasabing binalutan ng condom. Kasabay nito, naglabas ng balala ang FDA sa publiko sa pagbili at pagkonsumo ng hindi rehistradong Dipzy Cornpop Lollipop na may mga kulay na asul at pula na pag-aari ng kompanyang MM Lucky Multisales Corp., na di awtorisadong gumagamit ng Durex condom foil packaging bilang ‘lollipop wrapper’.
Advertisement
Loading...
Ang aksiyon ng FDA ay makaraang ipagbigay alam ng kompanyang Baranda & Associates na ang Durex condom foil ay ginagamit na pambalot ng kanilang lollipop ng kompanyang MM Marketing na nagre- reflect sa kanilang label. “With this, the public is hereby advised not to purchase the aforementioned adulterated products which may pose health risk to consumers. Further, the FDA verified that the abovementioned food products are not authorized and the Certificates of Product Registration have not been issued,” batay sa inilabas na advisory ng FDA.
Advertisement
Loading...
Nakasaad pa sa insyung statement, binabalaan din ng FDA ang mga kinauukulang establisyimento na huwag ipamahagi o i-distribute ang sinasabing food products hangga’t hindi ito naiisyuhan ng awtorisasyon, na License to Operate at Certificates of Product Registration sa nasabing food product. Iniimbestigahan na ng FDA ang nasabing usapin at inatasan na nila ang kanilang Regional Field Offices sa nasabing health products na naikalat at naibebenta na sa mga retail outlet.
video
Sponsor
Loading...
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
[SOURCE]- tnt.abante.com
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.
No comments:
Post a Comment