Loading...
Nagbigay rin ng simpleng paliwanag si Angeles sa kaniyang Facebook post patungkol sa paggamit ng ABS-CBN ng kanilang press freedom card. Sinabi niya, maaari pa rin namang magamit ng ABS-CBN ang kanilang karapatan at kalayaan upang magsalita at ipahayag ang kanilang nais iparating bilang iisang organisasyon.
Dagdag ni Angeles, ang ABS-CBN ay maaari pa rin namang magsulat ng mga balita, lumikha ng sining, maglathala at marami pang iba. Sinabi niya na ang pagbo-broadcast lamang ang hindi nila maaaring gawin kapag hindi naaprubahan ang kanilang franchise.
Loading...
Pagpapatuloy ni Angeles, kung nais nilang mapanatili ang franchise ng ABS-CBN, kailangan din nilang sundin ang mga tuntunin at nakasaad sa batas.
Sinabi rin ni Angeles na ang Konstitusyon ay isa sa mga pinakamalaking batas sa bansa. Ito ay naglalayon na pagbawalan ang pagkakaroon ng foreign ownership sa korporasyon ng franchise ng isang broadcast company.
Loading...
Ayon pa kay Angeles, ginagawa lamang tayo ng ABS-CBN na walang alam tungkol sa mga bagay bagay kung patuloy nilang sinasabi na ang problema na kinakaharap nila ngayon ay paraan lamang ng pag-atake sa kanilang kalayaan para magpahayag.
Basahin ang kabuuang post ni Atty. Trixie Cruz-Angeles sa ibaba:
Kailangan talaga press freedom kasi gusto nila palabasin na may KARAPATAN sila mag broadcast? Hmph.
Loading...
May karapatan magsalita, magpahayag, mag express ng sarili.
Pwede magsalita, pwede magpublish, pwede mag sulat, lumikha ng sining atbp.
Pribilehiyo ang mag broadcast. Ang airwaves ay pagmamayari ng estado. Kung may nais gumamit nito, kailangan humingi ng pahintulot.
Ang pahintulot na yon, ay prankisa. Batas ito.
Para mapanatili ang prankisa, susunod sa terms ng pahintulot, at sa batas.
Ang pinakamataas na batas ang konstitusyon. Pinagbabawal nito ang dayuhan o estranghero na makibahagi sa korporasyong may prankisa mag broadcast.
Maaaring bawiin ang prankisa. Maaaring hindi ibigay. Walang batas o anumang kasulatan ang nagsasabing may karapatan ang sinuman sa isang prankisa.
Hindi kailangan ng prankisa magpahayag, magsalita o mag express ng sarili.
Niloloko tayo ng ABS kapag sinasabi nilang at4ke ito sa kalayaang magpahayag.
Tawagin man nila si Cardo, hindi nila mamamagick ang isang karapatang imbeimbento lang nila.
Source: Facebook
Loading...
Loading...
No comments:
Post a Comment